Respuesta :

Answer:

Kahalagahan

Mahalaga ang pag-aaral ng pilosopiya sa buhay ng tao sapagkat nagsisilbi itong gabay natin. Nagtuturo ito sa atin ng mga bagay na dapat nating matutunan. Ito rin ang nagiging daan tungo sa maayos at mabuting pamumuhay. Dito nagmumula ang ating mga paniniwala at pagkatao. Ang pagkakaroon ng mabuting pilosopiya ay mahalaga sa isang tao.

Layunin din ng pilosopiya na magbigay kasagutan sa ating mga katanungan. Halimbawa dito ay kung bakit tayo nabuhay at kung paano natin magagawa ang ating tungkulin dito sa mundo. Napapabuti ng pilosopiya ang ating pag-iisip upang makagawa tayo ng mga tamang pagpapasya tungkol sa mga suliranin natin sa buhay. Tandaan natin na ang kaalaman ay ang ating kayamanan.