Panuto: Lagyan ng tsek (V) kung ito ay karanasan o implikasyon sa Unang Digmaang Pandaigdig at ekis(x) kung sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig. 1. Itinatag ang League of Nations upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Ang Japan ang tanging miyembro nito na galing sa Asya. 2. Nagkaroon ng malaking problema sa ekonomiya ng rehiyon ng Timog Silangang Asya 3. Biglaan ang paglusob ng mga Hapones nang sa gayon ay maparalisa nito ang hukbong pandagat ng U.S. na noon ay nakabase sa Pearl Harbor sa Hawaii. 4. Nagkaroon ng labanan sa Asya dahil sa spheres of influence at interes ng mga Kanluranin sa China. 5. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng digmaang sibil o civil war ang bansang China. 6. Isa pang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya 7. Ang pagtaguyod ng Guardia Nacional upang maipakita sa United States at buong daigdig na handa na ang Pilipinas sa kasarinlan 8. Nilusob ng Japan ang Manchuria noong Setyembre 1931. 9. Maraming mga lungsod ang nasira sa Asya at milyon-milyong mamamayan ang namatay na dinulot ng Japan 10. Maraming mga Indian ang dinala sa mga labanan sa ilalim ng mga opisyal na English Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama at isulat naman ang salitang MALI kung ito ay hindi totoo. 1. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang balance of power sa Asya 2. Lumakas ang nasyonalismo ng China at India. 3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaidig, pumasok ang mga Kanluranin sa kanlurang Asya upang malinang ang langis. Ipinatupad nila ang sisitemang mandatosa rehiyon na kontrolado nila. 4. Bungang Great Depressionna nag-umpisa noong 1929 sa U.S., naghirap ang ekonomiya ng China at pagpapalakas ng militar upang manakop ang nakita nitong solusyon. 5. Lumalim ang krisis sa Asya noong sumali sa Axis Powers ang Japan at nagpahayag ito ng New Order in Asia o Bagong Kaayusan sa Asya. Inihinto naman ng United States ang pagluluwas ng langis at iba pang estratehikong likas na yaman sa Pili