Panuto: Piliin ang A kung ito ay Pag-aalsang Panrelihiyon, B kung Pag-aalsang Pang-ekonomiko, C kung Pag-aalsang Politikal, at D Pag-aalsang Pangteknolohiya.
1. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ambaristo dahil sa paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta ng basi.
2. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Apolinario dela Cruz o mas kilala na Hermano Pule dahil tinanggihan siyang maging pari.
3. Isang pag-aalsa na pinamunuan ng mga Datu ng Maynila dahil gusto nilang mabawing muli ang kanilang kalayaan at karangalan
4. Isang pag-aalsa na pinamunuan ng mag-asawang Diego at Gabriela Silang dahil sa galit nila sa buwis na ipinapataw ng mga Espanyol at nais nilang palayasin ang mga ito
5. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Dagohoy dahil tinanggihan ng isang pari na bigyan ng isang kristiyanong libing ang kaniyang kapatid.
6. Isang pag-aalsa sa Timog Katagalugan ng mga magsasaka dahil gusto nilang maibalik sa kanila ang mga lupang inangkin ng mag Espanyol
7. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Rivera na pumigil sa pagpapatuloy at pagtangkilik sa kristiyanismo sa pamamagitang ng pagbabalik sa mga prayle ng mga rosaryo at iskapularyo.
8. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Andres Malong na nag-ugat dahil sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa paggawa ng barko
9. Isang pag-aalsa na pinamunuan nina Don Pedro Almazan bilang suporta kay Malong.
10. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Tapar ng Iloilo na naghanagad na magtayo ng bagong sangay ng Kristiyanismo.
11. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Maniago na nag-ugat naman sa pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang paggawa ng galyon at hindi pagbabayad sa binibiling palay.
12. Isang pag-aalsa na pinamunuan nina Miguel Lanab at Alababan kung saan ay pinugutan ila ng ulo ang mga misyonerong Dominican at hinikayat ang mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga imahen ng santo, at sunugin ang mga simbahan.
13. Isang pag-aalsa ng mga Boholano sa Kristiyanismo na pinamunuan ni Tamblot.
14. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Lakandula dahil sa hindi pagtupad ng mga Espanyol sa pangakong malilibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni Lakandula.
15. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Agustin Sumuroy dahil sa polo y servicio o sapilitang paggawa sa Samar na ipinapadala sa mga malalayong lugar tulad ng Cavite.
16. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Datu Bancao na lumaban sa simbahang Katolika ng Leyte
17. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Pedro Ladia na isang Moro na taga-Borneo na nag-ugat sa pagkumpiska ng mga Espanyol sa kanyang mga ari-arian.
18. Isang pag-aalsa na pinamunuan ni Magalat at kaniyang mga kapatid dahil sa hindi makatwirang pagbubuwis ng mga Espanyol.